Pang-iisnab ng ibang justices kay Sereno dedma sa M’cañang

IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ng Malakanyang ang ulat na may nangyayaring isnaban sa pagitan ng mga mahistrado at kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na ayaw niyang mag-speculate sa pang-iisnab ng mga mahistrado kay Justice  Sereno dahil lamang sa hindi matanggap ng mga ito na siya ang naging kapalit ni dating Sc Chief Justice Renato Corona.

“I  don’t want to speculate on why some of the justices did not appear at the flag ceremony today. What’s clear is that the Supreme Court has a new leader; that no one is questioning that; and I think, as I said before, the appointment of Justice Sereno was widely perceived to be a positive thing that caps the drama over the impeachment trial of former Chief Justice Renato Corona. So it’s a new slate and we hope that everybody will give Justice Sereno a chance to prove herself,” ayon sa Kalihim.

Ang importante aniya ay ang pagdalo ng mga mahistrado sa kanilang en banc session at natapos ng mga ito ng maayos ang kanilang trabaho.

“Well, we don’t know if there’s a rift. I think that’s people reading things into the absence of this or that justice from this or that ceremony and the justices themselves have not said anything. So I would not speculate, again, I will not speculate as to why this justice did not show up at the flag ceremony. And, again, what I think is important for us, the public, is whether or not the justice system becomes more responsive to the needs of the public as what Justice Sereno has said,” ayon sa Kalihim.

Kumbinsido naman si Sec. Carandang na professionals ang mga taga-SC at hindi nila sisirain ang kanilang mga imahe dahil sa pang-iisnab kay SC Chief Justice Sereno.

Kaya’t ang pakiusap nya sa mga ito ay mag-move on na sa pagkawala ng dati nilang lider at hayaang makapaglingkod naman si Sereno bilang kanilang bagong lider.

“I think that’s the assumption that we’re making. We’re assuming that with the appointment of a new Chief Justice that the Supreme Court can get about with its business,” aniya pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply