Panibagong LPA, namataan sa silangan ng Kabisayaan

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) Administration ang panibagong low pressure area na namataan sa layong 920 kilometro silangan ng Kabisayaan.

Dahil dito, makaaasa ng madalas na maulap na papawirin na may pag-ulan ang silangang bahagi ng Visayas gayundin sa Mindanao lalo na sa bandang hapon o gabi.

Bahagya naman hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang agwat ng temperatura sa Kamaynilaan ay inaasahang aabot mula 24 hanggang 32 antas ng sentigrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply