Para may pangtoma: Kelot nagbenta ng granada, tiklo

KALABOSO ang isang magsasaka na nagtangka umanong magbenta ng granada para magkaroon ng pangtoma sa Naguillian, La Union.

Nahuli ang suspek na si Rey Gapasin, 32, residente ng Barangay Bangcagan, ng nasabing bayan makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa naturang barangay na mayroon umano itong dalang granada kasama ang isa pang kaibigan na sakay ng traysikel.

Nakatakas naman ang kaibigan ng suspek na nakilalang si Arnel Soriano.

Sa salaysay ni Gapasin, balak sana nila ng kaibigan na ibenta ang pambasabog sa halagang P5,000 upang may pambili sila ng pang-inom o alak.

Patuloy na inaalam ng mga pulis kung saan kinuha ng suspek ang granadang nakumpiska at inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply