Paraan para malabanan ang stress

MARAMI nang pag-aaral ang nagpapakita nang epekto ng pagmumuni-muni ukol sa paglaban sa pagod.

Ang tatlong (3) minutong meditasyon ay isang paraan para mapakalma ang inyong sarili at ihinto ang pagmamadali, “Maaari mong mapabuti ang iyong pakiramdam at makokontrol mo ang iyong sarili at lakas. Anomang lugar na tahimik sa bahagi ng iyong tahanan ay maaaring lugar ng meditasyon.

“Isara ang iyong mga mata, at huminga ng malalim”. Umpisahang mag-relax, kapag may naisip na, isipin na tila mo sila ay ulap lamang sa langit. Bayaan silang parang lumulutang lamang. Umisip ng mgandang mga pangyayari: tulad ng paglubog ng araw sa Manila Bay, Roxas Boulevard, Manila.

Upang mapataas ang halaga ng enerhiya nang mahabang panhon sa inyong buhay, iminumungkahi ng mga eksperto na makisalamuha ka sa mga positibong tao. At umiwas naman sa mga negatibong tao.

Ang mga negatibong tao ay makapagpapababa sa kasiglahan ng iyong pag-iisip at katawan. Ang tindi o stress ay ang pinakamalaking enerhiya na makatutuyo sa buo mong pagkatao. Kung may tao na nakapagdudulot sa iyo ng di magandang pakiramdam ito ay tunay na nakasasakit ng ulo at nakahihilo sa pakiramdam.

Huwag dalhin ang trabaho sa kwarto, bawasan ang trabaho sa bahay. Laging isipin na kapag kayo’y nasa bahay, dapat ibigay ang atensyon sa asawa at anak. Higit sa lahat, kailangang magpahinga ng sapat, kalimutan ang problema sa opisina.

Huwag nang magtrabaho paglampas ng ika-anim ng gabi. Ihinto na ang inyong isipan, hayaan mong mag-relax ang inyong isipan. Gawing tahimik at komportable ang inyong tulugan. Hayaan mo nang mag-relax ang inyong utak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply