Parak na nanggulo sa convoy ni Aquino, sunod na ipasisibak

ISUSUNOD nang sibakin sa serbisyo ang pulis na nangharang sa convoy ni Pangulong Benigno Aquino III noong Hulyo.

Sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina, pinasisilip na niya ang kasong kinakaharap ni SPO2 Ricardo Pascua na nauna nang tinanggal sa puwesto ni QCPD chief Mario dela Vega.

Sa direktiba ni Espinosa kay Dela Vega, nais niyang malaman kung bakit nakakapagtrabaho pa si Pascua sa kabila ng pambabastos sa Pangulo.

Desidido si Espina na tanggalin ang mga tiwali at abusadong pulis upang hindi na madagdagan pa ang bulok sa kanilang institusyon.

Nito lamang nakaraang araw, dinismis na rin ang nangotong sa anak ni Espina na si SP04 Joel dela Peña at ilan pang pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng robbery extortion.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply