Parak nagpatiwakal sa loob ng PNP office

ISANG parak ang nagpakamatay umano sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa loob mismo ng Davao Oriental Provincial Police Supply Office sa Barangay Dahican, Mati City.

Nabatid na bago naganap ang pagpapakamatay ng pulis na si Ruel Barrido Ramos, nakitang nakikipag-usap ito sa isang non-uniformed personnel na si Perla Manuzon Bogoy tungkol sa accountability ng armas bilang dating property accountable officer ng 1106th Provincial Police Mobile Group.

Habang nakikipag-usap ay bigla na lamang umano itong umiyak sabay kuha ng dalang 9mm na baril at ipinutok sa kanyang ulo.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit nalagutan na ito ng buhay.

Posible namang walang matanggap na benepisyo ang naiwan na pamilya ng naturang pulis.

Si Ramos ay nadestino sa Regional Personnel Holding and Administrative Unit (RPHAU) sa Camp Catitipan, Buhangin, lungsod ng Davao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply