Parak pisak sa government bus

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang kagawad ng Cebu Provincial Police Office matapos na pumailalim sa isang bus na pag-aari ng munisipyo ng Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si SPO1 Edison Gumpay, 42, nakatira sa Marigondon Lapu-Lapu at nakadestino sa Cebu City Traffic Division sa Cebu City Police Office (CCPO).

Sa salayasay naman ng driver ng bus na si Bernalito Rentocan Panginahug wala siyang alam kung papaano pumailalim ang biktima sa minamaneho niyang Kao-shiung bus sa may kahabaan ng MC Briones Street, siyudad ng Mandaue.

Base sa inisyal na imbestigasyon sa mga miyembro ng Traffic Management Unit (TMU), nagulat ang driver ng nasabing bus nang makarinig siya nang malakas na sigaw galing sa ibaba ng minamanehong bus.

Ayon pa sa bus driver, laking gulat niya nang makitang nakaipit na ang biktima sa bus.

Agad nilang dinala sa nasabing pagamutan ang bitkima ngunit ideneklarang patay na nang idating.

Napag-alaman na pauwi na sana ang pulis galing sa kanyang trabaho nang mabangga ito ng Kao-shiung bus na pagmamay-ari ng Mandaue City Government.

Nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad ang driver habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon sa naturang insidente,

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply