Parak tinodas sa harap ng ka-live-in sa Maynila

PATAY ang isang bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap mismo ng kanyang ka-live-in habang naglalaro ng video games sa isang computer shop sa Tondo, Maynila kagabi.

Dead pn the spot ang biktimang si PO1 Anthony Frias, 25, miyembro ng Batch 2010 “MASIDLAK” Bravo Company na nakatalaga sa Regional Public safety Battalion (RPSB), NCRPO at residente ng San Jose St., Magsaysay Village, Tondo, Maynila.

Sugatan naman matapos tamaan ng stray bullet ang marketing student ng Unibersidad de Manila (UDM) na si Kristille Calilung, 19 na gumagawa lamang ng assignment.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad na 30-anyos, may taas 5”5, may katamtaman na pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng gray bull cup, maong pants, rubber shoes.

Ayon kay SPO1 Gerardo Rivera, dakong 10:30 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng Choi’s Computer Shop  na matatagpuan sa Capulong Highway, Tondo, Maynila.

Naglalaro umano ng video games ang bagitong pulis sa loob ng shop nang lapitan ito ng hindi nakilalang suspek at pinagbabaril sa harapan ng kanyang ka-live-in na si Melissa Mateo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima habang tinaman naman ng ligaw na bala si Calilung.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek kasama ang isa pa (na naghihintay sa labas) sakay ng isang motorsiklo at tinahak ang Road 10.

Narekober ang mga basyo ng bala ng .40 kalibre ng baril sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply