Paralympic: Medina papalapit sa unang medalya

PINALO ni Josephine Medina si Aida Dahlen ng Norway, 3-1(13-11, 3-11, 11-7, 11-5) upang sumampa sa semifinals ng 14th Paralympic Games women’s table tennis class 8 sa Excel North Arena 1 sa London kaninang madaling araw.

Lumagapak muna sa day 1 first match ang 42-anyos na si Medina kay Jingdian Mao ng China, 0-3 (7-11, 6-11, 9-11 sa 4-player Group B matches subalit bumangon agad ito nang hatawin ang 3-0 win (11-4, 11-6, 11-9) laban kay Jane Rodriguez ng Brazil.

Ang top 2 netters sa Groups A at B ang maghahatawan sa crossover semifinals match.

Kailangan talunin ni Medina ngayong hapon ang kanyang semis opponent na si group A top seed Khu Kamkasomphou ng France para makasiguro ng silver medal.

Si 17-year old Mao ang No. 1 sa group B kaya makikipagpaluan ito kay group B No. 2 Josefin Abrahamsson ng Sweden.

Ang mananalo sa crossover ang magpapang-abot para sa Gold medal match habang ang dalawang matatalo ang papalo para sa bronze.

Puro 3-0 ang tatlong score ng laro ni Mao sa preliminary rounds.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply