Parang nagbibisikleta lang kapag umaarte sa harap ng camera! (Hahahahaha!)

NAGBITIW na naman ng markadong one-liner ang batikang aktres na si Hilda Koronel nu’ng interbyuhin siya ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday. Tinanong ni Kuya Boy si Hilda kung ‘di ba siya kinabahan nu’ng muli siyang umarte sa harap ng kamera after six years of absence sa latest movie offering ng Star Cinema na The Mistress directed by Olive Lamasan.

“Oh, no. For me it’s just like riding a bicycle,” mabilis na sagot ni Hilda.

Only Hilda can say that, ‘di ba? Kunsabagay, true naman to the highest degree ang sinabing ‘yun ng aktres. Minamani lang niya ang pag-arte. Roon na lang sa ‘class’ na confrontation nila ni Bea sa The Mistress, effortless and yet powerful nu’ng binitiwan niya ang linyang, ‘Tagalog ‘yan para maintindihan mo.’

Nahirapan lang daw si Hilda, na inamin niya sa amin sa solo presscon na binigay sa kanya ng Star Cinema, bago siya umalis pabalik sa US bago tanggapin ang “The Mistress” ay ‘yung thought na kakayanin pa rin kaya niya ang pagpupuyat at pagmememorya ng mahahabang linya.

But it seems nalampasan naman ‘yun ni Hilda. Kaya naman after The Mistress, sinabi niya na may kinu-consider siya na isang teleserye na gagawin rito sa Pinas pagbalik niya.

Anyway, lutang pa rin ang ganda ni Hilda at ‘di sinikreto ang kanyang tunay na edad.

“I’m 55. Papunta na ako sa 60. Hahaha! And I’m proud of it,” diin niya.

Tahasan rin niyang sinabi na never pa niyang pinagalaw ang kanyang mukha for any cosmetic surgery. Oily daw kasi ang face niya at ayaw rin daw ipagalaw ito ng kanyang husband.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply