Parang ulam na nakauumay na!

MAY text kaming natanggap na gumon na raw sa bawal na gamot ang dating sikat na sexy actress at hindi lang pagbebenta ng laman ang binalikan niya. Pinasok na rin daw niya ang pagbubugaw.

Pero how true na ang modus-operandi niya ay hulidap? Ibubugaw daw niya ang girl tapos pagbigay ng budget, may nakaabang nang tatlong lalaki sa di kalayuan at naka-Tamaraw FX.

Pa-plantingan diumano ng shabu tapos hihingan ng pera at tatangayin din ang cellphone at mga alahas. Kahit kapwa bugaw raw niya ay kinakatalo raw niya at pinahu-hulidap.

Wala nang clue dahil maselan ang isyu…

***

PARANG sirang plaka na rin si Andi Eigenmann dahil si Albie Casiño ang laging laman ng interbyu niya. Feeling namin nasabi na niya ang dapat sabihin kay Albie kaya mag-move-on na siya.

Nu’ng nakaraang Sunday lang sa ‘The Buzz’ si Albie pa rin ang topic samantalang ito rin ang laman ng interbyu niya sa presscon ng ‘Pridyider’ ng Regal Films na showing na sa September.

“Dati lagi ko pong sinasabi na parang wala po akong napapatawad kasi wala namang nagso-sorry. Pero ngayon parang para sa akin, on my own, parang sinabi ko na lang na let’s say sorry siya, sige napatawad ko.

At saka, ako rin naman at the same time, sorry rin naman ako. Hindi naman siya masamang tao. Ang bait-bait nun. Siguro he just made wrong decisions in his life.

Hindi ko po puwedeng sabihin na siya lang ‘yung… just because ginawa niya ‘yun, siya na ‘yung masama.

Nasaktan ko rin po siya,” deklara ni Andi.

“Hindi naman niya po anak si Ellie. Biologically, yeah. They look so much alike. Kung ayaw niya, hindi. Hindi ko na ipipilit ‘yun. Wala nang ganun.

Sayang lang sa time ko,” aniya pa.

Wish lang naming last statement na ito ni Andi kay Albie dahil para siyang ulam na nakauumay na. Tsuk!

***

KLINARO ni Sam Milby ang sarili na wala siyang kinalaman kung naghiwalay man sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

Mga kaibigan daw niya ito. Ayaw niyang masangkot sa isyu dahil hindi raw siya ang third party.

‘Yun na!

***

SA kasagsagan ng Star Magic Ball ay mababasa mo sa Twitter kung anu-ano ang mga nangyayari. Gaya ng pagbabati nina Matteo Guidicelli at Coco Martin.

Presenter raw si Matteo ng Standout Star Award kung saan ay si Coco Martin ang nanalo.

Kinantyawan daw sila ng mga hosts ng “Hug naman diyan bro.”

Nagyakapan naman ang dalawa at parang wala nang nangyari. Kunsabagay, last Star Magic Ball pa nangyari ang suntukan nila at nararapat lang na magbati na sila lalo’t hiwalay na rin sina Matteo at Maja Salvador.

Magkahiwalay ding dumating sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Nauna raw dumating si Lloydie tapos dumating rin si Angelica kasabay si Melai Cantiveros.

Pero nabasa rin namin sa Twitter Account ng Push Alert na magka-holding hands sina John Lloyd at Angel na umalis sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-la.

Nabasa rin namin sa Twitter Account na STARXpress na ang ilan sa listahan ng mga dateless o solo sa Star Magic Ball 2012 ay sina Gerald Anderson, Coco Martin, Myrtle Sarrosa, Julia Montes, Shaina Magdayao, Matteo Guidicel -li, Maja Salvador, Enchong Dee, Enrique Gil.

Nabasa rin namin sa Twitter na nakasandal si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo na parang sensyales na mag-MU na talaga ang dalawa.

Tinagurian namang Couple of the Night sina Kim Chiu at Xian Lim sa Star Magic Ball 2012.

Talbog!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply