Pari sa mga magulang: Anak protektahan vs bisyo

HINIMOK ng isang Catholic priest ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak laban sa drug addiction at iba pang sugal.

Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), isang malaking hamon para sa mga magulang ngayon na palaging bantayan ang mga anak upang maprotektahan ang mga ito at hindi malulong sa mga bisyo tulad ng iligal na droga, na maaaring makasira sa kanilang pagkatao at kinabukasan.

Malaking tulong umano kung magiging vigilante ang mga magulang sa pagsusuri kung nasaan ang kanilang mga anak at alamin ang kondisyon ng mga ito at mga problemang kinakaharap.

“But it becomes a challenge to parents in today’s generation on how to properly guide their young children especially when they are outside of the house, how much less is the vigilance of parents in looking out for them. They can be vigilant by examining the whereabouts of their children and know the condition and problems that their children are encountering,” ani Garganta.

Ipinaliwanag pa ng pari na dapat na bumuo ang mga magulang, katuwang ang komunidad, ng mga konkretong aksyon para maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa masasamang bisyo.

Iginiit rin ni Garganta na ang aktibong pakikiisa ng mga magulang at mga miyembro ng pamilya ay mahalaga dahil sila ang unang ‘police officers’ sa komunidad na makatutulong upang mailayo sa bisyo ang mga bata.

Malaking tulong umano kung maipapakita ng mga magulang sa mga anak kung gaano nila kamahal ang mga ito at maiparamdam sa kanila na sila ay inaalagaan at kabilang sa isang pamilya.

Isinuhestiyon din nito sa mga kabataan na piliin ang mga karapat-dapat na kaibigan na mabuting impluwensiya sa kanila, ipokus ang kanilang atensyon sa kanilang mga magulang, pamilya at pag-aaral. Sa ganitong paraan ay hindi malululong ang mga ito sa masamang bisyo na makasisira sa kanilang kinabukasan.

Nauna rito, nakipagtuwang ng National Youth Commission (NYC) sa Dangerous Drugs Board (DDB) sa paglulunsad ng nationwide caravan noong nakaraang buwan hinggil sa epekto ng pag-abuso sa iligal na droga, gayundin, pinaigting ang ‘Barkarda Kontra Droga-Bagets’ edition program.

Ayon kay NYC Commissioner Earl Saavedra, ang laban sa iligal na droga ay nakakaalarma matapos na lumitaw sa pinakahuling national assessment study na ang 7-8% ng mga kabataan na nasa edad 15-30 ay nag-drop out sa mga paaralan dahil sa pagkalulong dito. Lumitaw rin na ang 75% sa mga ito ay umaabuso sa bawal na gamot upang makatakas mula sa mga desperadong situwasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply