Parking boy kritikal sa boga

KRITIKAL ang kondisyon ng isang parking boy matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakatayo ang una sa harap ng isang fastfood chain sa Caloocan City, kahapon (Agosto 31).

Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Ronnie Cullera, y. Badona 21, binata, ng Sitio Uno, Sangandaan ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama sa kanang bahagi ng kanyang batok.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 5:40 ng hapon ng maganap ang insidente sa harap ng Jollibee sa kanto ng 10th at A.Mabini St., ng nasabing lungsod.

Nabatid, na abala ang biktima sa pagpa-park ng sasakyan ng mga kostumer ng nasabing kainan nang bigla na lamang natumba sanhi ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanyang batok.

Agad isinugod ang biktima sa Pres. Diosdado Macapagal Memmorial Medical Center subalit sa tindi ng tinamong tama ay agad inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ano ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply