Parks liyamado sa MVP race

MAUGONG ang pangalan ni Bobby Ray Parks dahil siya ang naging dahilan kung bakit nakapasok ang National University Bulldogs sa semifinals ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Nasa tersero puwesto ang Bulldogs sa pagsasara ng second rounds eliminations tangan ang 9-5 win-loss slate at numero una naman si Parks sa scoring.

Tumapos si Parks ng 21.4 puntos at 7.2 rebounds upang isampa ang Bulldogs sa Final Four matapos ang 11 taon.

Dahil sa mga numerong kinabig ni Parks ay halos selyohan na nito ang hinahabol na back-to-back MVP award.

Sinagpang din ni Parks ang grand slam ng hirangin ulit ito bilang UAAP Press Corps Player of the Week awards na hatid ng mga sports scribes na nagkokober ng beat at ng ACCEL 3XVI.

“It’s not just all about me, the team really helped me out,” sabi ni Parks na siya lang ang nakakuha ng tatlong POW award sa isang season.

Sa huling panalo ng NU kontra Far Eastern University Tamaraws, 84-81 ay kumana ng krusyal baskets si Parks at manguna sa opensa na may 27 puntos.

Ang mga karibal ni Parks para sa MVP plum ay sina Karim Abdul ng UST, Greg Slaughter ng Ateneo, Roi Sumang ng UE at Jeron Teng ng La Salle.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply