Parks MVP, Teng RoY

SINAGPANG ni Bobby Ray Parks Jr. pambato ng National U Bulldogs ang ikalawang sunod na MVP award habang si Jeron Teng ng De La Salle U Green Archers ang kikilalaning rookie of the year.

Nakopo ni Parks ang pangunguna sa Statisitcal Points matapos ang double round eliminations sa 75th UAAP men’s basketball ng komulekta ito ng 77.2857 SP mula sa ibi­nibigay na 21.4 puntos, 7.2 rebounds, 4.4 assists, 1.5 blockssa 33.6 minutong paglalaro.

Nabitin ang mga numero ni Tigers center karim Abdul na nasa pangalawang puwesto sa MVP race.

May 76.2143 ang Cameroonian na si Abdul na isa sa dahilan kung bakit maglalaro ang UST sa Finals.

Sa Mythical five, kabilang sa kanila sina Greg Slaugther ng Ateneo at Terence Romeo ng Far Eastern University Tamaraws.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply