Partner ng QC kotong cop absuwelto sa kaso

INABSUWELTO na sa kasong pangingikil ang isa sa dalawang tauhan ng Quezon City Police District-Mobile Support Unit QCPD-MSU) na nadawit lang sa tangkang pangongotong sa anak ng bagong Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina noong nakaraang Setyembre 4.

Naisabit na muli ni PO2 Resty del Rosario ang kanyang tsapa sa kanyang uniporme at naisukbit na muli rin ang kanyang service firearm sa kanyang baywang matapos iabsuwelto ng QCPD kaninang umaga lamang.

Sinabi sa ulat na magkagayunman, nahaharap pa rin Del Del Rosario sa imbestigasyon sa National Capital Region Police Office.

Sa kasalukuyan, sinabi ni QCPD head Chief Superintendent Mario dela Vega na hinahanapan pa niya ng bago at eksaktong yunit’ para kay Del Rosario.

Nagpalipas muna ng maikling panahon si Del Rosario sa QCPD’s administrative holding unit habang ang QCPD ay nagkakasa ng kanilang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Nauna rito, ang isa pang pulis na sangkot sa pangongotong na si SPO4 Jose dela Peña ay tuluyan nang inalis matapos na masangkot pa ito sa nakaraaang extortion cases.

Nito lamang nakaraang linggo, pansamantalang pinayagan ng QCPD na makabalik sa kanyang duty si Del Rosario dahil wala naman itong natatanggap pang reklamo na isinampa laban sa kanya.

Pagtatanggol nito sa sarili na sinusunod lamang niya ang utos ni Dela Peña.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply