Partner ni SPO4 Dela Peña, balik-trabaho na

BALIK-TRABAHO na ang isa sa dalawang Quezon City policemen na nagtangka umanong mangikil sa anak ng bagong itinalagang Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina, pero sa ngayon lang.

Si PO2 Resty del Rosario ay pinayagan makabalik sa kanyang duty dahil wala pa namang formal complaint na isinasampa laban dito.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ni Quezon City Police District head Chief Superintendent Mario dela Vega na si Del Rosario ay maaring nadamay lamang sa alingasngas ng kanyang partner na si SPO4 Jose dela Peña na mas mataas ang ranggo kaysa sa kanya.

Isinailalim si Dela Peña sa pre-charge proceedings nitong nakaraang linggo at nabatid na sangkot din sa mga nakaraang extortion attempts.

Isinuko ni Dela Peña ang kanyang sarili sa awtoridad nitong nakaraang Lunes, halos isang linggo matapos ang pagtatangkang pangongotong sa anak ni Espina. Kabaligtran, agad namang lumutang si Del Rosario sa araw na nangyari ang insidente.

Noong Abril 3 ng gabi, tinangkang kikilan nina Dela Peña at PO2 Resty del Rosario ng pera ang anak ni Espina, na kanilang sinita na sangkot umano sa phone sex sa loob ng kanyang kotse.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply