Partylist na matatanggal sa listahan ng Comelec, ilalantad na

KINUMPIRMA ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na ilalabas na ngayong buwan kung ano-anong partylists ang bibigyan ng accreditation na makalalahok sa 2013 midterm elections.

Sa panayam kay Brillantes matapos maaprubahan ang 2013 budget ng Comelec ay sinabi nito na tapos na nila ang pagsusuri sa mga partylists at nasa proseso na sila ng pagtanggal sa ilan.

“We finished the hearing and we are now in the process of deciding. Dedesisyunan na namin kung sino ang aming i-accredit at kung sino ang mga dapat naming tanggalin,“ani Brillantes.

Ngunit hindi binanggit ni Brillantes kung anong partylists kahit ang bilang ng mga matatanggal at hindi mapapayagang lumahok sa darating na eleksyon.

Naunang napaulat na na posibleng mas mababa ito sa 184 na binigyan ng accreditation noong 2010.

Tumanggi rin si Brillantes na banggitin ang magiging kapalaran ng Ang Galing Pinoy Partylist ni Rep. Mikey Arroyo na nauna nang napaulat na nanganganib malaglag sa listahan dahil sa kabiguang sumipot sa hearing ng Comelec.

Matapos maipasa ang 2013 budget ng komisyon ay agad nagpasalamat si Brillantes sa mga kongres at aniya’y tuluy-tuloy na ang preparasyon ng komisyon para sa eleksyon sa susunod na taon.

“Okey na, we have the money for 2013 at tuloy tuloy na kami,” ani Brillantes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply