Partylists na suportado ng jueteng, gambling lords, tututukan ng Simbahan

BINEBERIPIKA ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko ang natanggap nitong ulat na umano’y ilang party-list groups na nais na sumabak sa 2013 midterm elections, ang sinusuportahan ng mga jueteng at gambling lord sa bansa.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), may nakarating sa kanilang ulat na suportado ng mga jueteng lords ang kandidatura ng ilang party-list groups.

Tinututukan na, aniya nila ang naturang report at kasalukuyan na nilang bina-validate kung gaano ito katotoo.

Gayunman, sinabi ni Cruz na hindi na siya magtataka kung mapapatunayang totoo ang mga naturang ulat dahil kung sakali naman makalusot sa halalan ang mga naturang party-list groups ay makikinabang din naman ang mga gambling at jueteng lord sa kanila.

May ilang pulitiko rin naman, aniya, ang suportado ng mga jueteng lord sa kanilang kandidatura.

Bagamat hindi pa pinangalanan, tiniyak rin ni Cruz na sa sandaling makumpirma niya ang ulat ay kaagad niyang ihahayag sa publiko kung alin-aling partylist groups ang pinatatakbo ng jueteng money.

“Mayroong nakarating sa akin, which we are validating, na mayroon daw mga partylist ngayon na supported ng jueteng money. And this we are going deeply into it. I have some people looking into this to validate this report which I got,” ani Cruz, sa panayam sa radyo.

“Hindi nakapagtataka kung may mga partylist na pera ng gambling lords ang gagamitin for the protection and the benefit of the gambling lords themselves. That is not hard to know. That is not hard to conclude. Kahit sa mga kongresista may sinusuportahan sila. At willing tayo na ihayag kung sinu-sinong partylist group ang kasali sa halalan na ating papangalanan at sasabihing pinatatakbo sila ng jueteng money,”  ani Cruz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply