Paslit, dalaga natusta sa sunog sa QC

PATAY ang isang paslit at isang dalaga sa sunog na tumupok sa 300 kabahayan sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sila Alexander Espina, 4-anyos at Madel Soliman, 20 anyos na magkasamang natagpuan sa isa mga bahay na nasunog sa kahabaan ng Mauban Street, Barangay Manresa, Quezon City.

Ayon sa ulat ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Bobby Baruelo, nagsimula ang sunog pasado ala-1:50 ng madaling araw na umabot hanggang Task Force Alpha at naapula lamang bago mag alas-4:00 kahapon ng madaling araw.

Mahigit 300 pamilya na naapektuhan ng sunog ang pansamantalang gumawa ng kampo sa kahabaan ng Sto. Domino at Biak na Bato sts., upang may pansamantalang reklamasyon habang hinihintay ang ayuda ng pamahalaang lungsod.

Batay sa ulat naipit umano sa ikatlong palapag ng kanilang bahay ang paslit at dalaga na sa katarantahan umano ng kanyang mga kasambahay ay inakalang nakalabas na sila sa nasusunog na bahay.

Mag-aalas-4:00 na umano ay hindi pa nila nakikita ang paslit at huli na ng malaman na kabilang ito sa nasunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply