Paslit na-shoot sa poso negro, dedo

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang apat na taong gulang na batang lalaki matapos na mahulog sa malalim na hukay para sa gagawing septic tank sa lalwigan ng Negros, sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report naglalaro si Rex, hindi nito tunay na pangalan, malapit sa isang excavation site hindi kalayuan sa kanilang tahanan sa Barangay Matabang sa Talisay City.

Sa salaysay ni Rhea, ina ng bata naglalaro umano ang kanyang anak nang mahulog sa may walong talampakang lalim ng ginagawang poso negro.

Agad na sinaklolohan ang bata at naiahon sa hukay at itinakbo sa hospital subalit idineklrang patay na ito nang idating.

Nnawagan ngayon ang pamilya ng biktima na maayudahan sila sa gastusin sa pagpapalibing sa kanilang anak.

Nabatid pa na sinisisi ng ama ng bata ang kompanyang nasa likod ng paghughukay at pagtatayo ng septic tank.

Kapabayaan umano ito ng kompanya at ng kanilang mga tauhan na hindi man lamang naglagay ng bantay o babala sa kanilang excavation site.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply