Passport ng Reyes bros kanselado na

TULUYAN nang kinansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pasaporte ng magkapatid na si dating Palawan Gov. Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes, akusado sa pagpatay kay dating Palawan broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Jaime Victor Ledda, ang kanselasyon ng pasaporte ng magkapatid ay dahil na rin sa utos ng korte.

Kabilang din sa kinansela ng DFA ang pasaporte na may pangalang Joseph Lim Pe dahil sa “fraud” kasunod na rin ng nakasaad sa section 8 ng Philippine Passport Act.

Maalala na ang nasabing pasaporte ay ginamit ng magkapatid na Reyes sa Vietnam noong Marso ng nakaraang taon.

Kaugnay nito, hindi na umano maaaring gamitin pa ng Reyes brothers ang nasabing dokumento maliban na lamang sa kanilang hawak na travel documents.

Inatasan na rin ng ahensiya ang Bureau of Immigration (BI) at mga embahada ng Pilipinas na kumpiskahin ang nasabing mga pasaporte.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply