Pastor na negosyante ninakawan

ISANG pastor na negosyante ng ginto ang natangayan ng magnanakaw ng P62,000 cash at siyam na gramo ng ginto at wallet makaraang looban ang kanyang mismong bahay sa  Barangay Canapian, Maayon, Capiz.

Nakilala ang  biktima na si Romulo Ciudad, 58, kung saan ayon sa kanya, tumungo sa kanyang tahanan ang hindi nakilalang lalaki na nagpanggap na may ibebentang ginto.

Nang mapag-usapan ang presyo ng ginto ay may tumigil na motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sakay ang dalawang lalaking naka-helmet na agad na pumasok at ang isa ay tinutukan siya ng kalibre .45 na baril at nagdeklara ng holdap.

Dahil sa takot, ibinigay na lamang ni Ciudad ang pera sa mga holdaper kasunod ng pagtali sa mga kamay ng biktima kasama ang kasambahay na si Rolly Ronquillo kung saan tinakpan ng masking tape ang mga bibig upang hindi makahingi ng tulong.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa deriksyon ng bayan ng Lemery, Iloilo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply