Patay na pinaglalamayan nalibing sa landslide

NAILIBING ng hindi oras ang isang pinaglalamayang patay sa isang chapel makaraang matabunan ng lupa nang magka-landslide sa Sitio Anakma, Barangay Pagsabungan, Mandaue City, Cebu.

Nabatid na natabunan ang kabaong ng patay na si Corazon Cordero habang nagtamo naman ng mga sugat ang nagbabantay sa naturang lamay na nakilalang si Jeremy Cordero nang biglang gumuho ang lupa na galing sa likod ng chapel sa kasagsagan ng buhos ng malakas na ulan.

Pinagtulungan namang hukayin ang kabaong ng mga residente at mga pulis na rumensponde sa pangyayari.

Masuwerte namang walang gaanong nasaktan sa nasabing pagguho ng lupa dahil hindi naman karamihan ang naglamay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply