Patong-patong na kaso, ipinababasura ni Gatdula sa DOJ

HINILING ni dating National Bureau of Investigation Director Magtanggol Gatdula na maibasura na ang reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa kanya na dinidinig sa Department of Justice.

Sa inihaing counter-affidavit ni Gatdula, sinabi nito na ang lahat ng mga alegasyon laban sa kanya na nakasaad sa reklamo ay pawang mga ispekulasyon lamang.

Iginiit ni Gatdula na sa affidavit mismo ng complainant na si Noriyo Ohara ay bigo itong patunayan ang kaniyang partisipasyon sa umano’y insidente ng kidnapping.

Dagdag pa ni Gatdula na maging ang mga testigo laban sa kaniya ay pawang inconsistent ang mga pahayag.

Sinabi ni Gatdula na ang pagdawit sa kanya sa kaso ay gimmick lamang ng ilang personalidd na nagnanais na maalis sya sa bilang director ng NBI.

Hindi naman personal na humarap sa pagdinig kanina si Gatdula dito sa DOJ, at ipinadala lang sa kaniyang mga abogado ang nasabing counter affidavit na sinumpaan niya sa ibang prosecutor.

Kaugnay nito, inatasan naman ng DOJ panel of prosecutor na may hawak sa kaso si Gatdula na personal na humarap sa kanila upang magsumite ng supplemental counter-affidavit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply