Patrol car swak sa bangin: 2 pulis, 1 pa patay

NAMATAY ang dalawang pulis at isang sibilyan habang isa ang suagtan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang police patrol car sa bayan ng Dalaguete sa Cebu, kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Christopher Requina at PO1 Jose Gino Ursunal at ang driver ng patrol car na si Vic Caruana

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, galing sa isang piyesta ang grupo sa Barangay Mantalongon nang madisgrasya kaninang alas 3:00 ng madaling araw.

Nakaligtas naman sa sakuna ang isa pang pulis na si PO3 Allan Sanoy na nasugatan sa naganap na aksidente.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply