Patutsada ni Miriam inalmahan ni Ping

GALIT na sinagot ni Sen. Panfilo Lacson ang mga patutsada ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa ilang mambabatas, partikular na sa kanya na hindi sumipot sa ipinatawag nitong imbestigasyon.

Matatandaan na ipinahayag ni Santiago na si Lacson ay may “vested interest” sa hindi pagdalo sa Senate inquiry laban kay resigned Usec. Rico Puno dahil mayroon itong inaasam na posisyon si Lacson.

“To set the record straight, kaming dalawa ni Sen. Gringo Honasan, andoon kami sa Iloilo noong Friday, kasi nagturn-over kami ng equipment na donation ng PNP Foundation at matagal nang naka-schedule iyon. Pangalawa, nasabi ko na rin ito, maski nasa Metro Manila ako, magdadalawang-isip ako kung dadalo dahil nga mukhang may problema sa rules,” ani Lacson.

Sinabi rin  ni Lacson na hindi totoong tinawagan siya ng Palasyo para isnabin ang imbestigasyon ni Santiago.

“Saka, hindi naman kami tatawagan ng Malacañang na huwag dumalo.. insulto sa amin iyon.. Definitely, wala akong natanggap na tawag, maski kanino, maski sa aming Senate President,” giit ng opisyal.

Umalma rin ang mambabatas sa pahayag ng senadora na naghahanap siya ng posisyon matapos hindi mapili bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Hindi ako naghahanap ng posisyon. Hindi ako marunong mag-lobby sa posisyon simula’t sapul, naging chief ako ng Philippine National Police kaya hindi ko na kailangang patunayan kung ano ang mayroon ako.”

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply