Pawikan na galing Malaysia natagpuang patay sa Bora

NATAGPUANG patay at palutang-lutang sa dagat ang isang pawikan sa Station 1 sa isla ng Boracay.

Hinihinalang nagmula pa sa Malaysia ang naturang pawikan na tinangay ng alon kung saan kinakitaan pa ito ng tag na  “Turtle World of Malaysia.”

Unang natagpuan ng isang boatman na si Reynold Biya, taga- Romblon ang pawikan na siya ring nagdala sa dalampasigan.

Isang dipa ang laki ng naturang pawikan na nakitaan ng sugat sa katawan.

Napagdesisyunan nang ilibing na ito ng awtoridad dahil sa masama na ang amoy nito at naaagnas na ang balat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply