PBA games mas mainit sa bagong format

MAGBUBUKAS na ang 2012-2013 Philippine Cup sa Linggo na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Bukod sa kapana-panabik na laban ng crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings at bagong tatag na Global Port Batang Pier sa nag-iisang laro sa opening ay tiniyak ni PBA Commissioner Chito Salud na mas mainit ang labanan ngayon dahil sa format ng laro.

Lahat ng laban ay importante dahil walo sa 10 teams ang sasampa sa susunod na stage pagkatapos ng eliminations.

Laglag ang dalawang kulelat habang ang top two teams ay makakukuha ng twice-to-beat advantage.

Ang No. 1 at No. 2 teams laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod habang maglalaban ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at ang No. 5 sa isang best-of-three quarterfinals duel patungo sa best-of-seven semifinals series.

Ayon sa mga basketball analyst team to beat pa rin ang Talk ‘N Text na pansamantalang hahawakan ni assistant Nash Racela habang minamaniobra pa ni Norman Black ang Ateneo Blue Eagles sa 75th UAAP season.

Samantala, pihadong dadagsain ng mga fans ang Big Dome dahil sa Brgy. Ginebra ang maglalaro.

Ang Gin Kings ang pinakamalakas bumenta sa takilya at dahil bagong mukha ang makahaharap ay paniguradong marami ang mananabik malaman kung anong klaseng team ang Batang Pier.

Ipaparada ng dalawang koponan ang kanilang mga nakuhang rookie sa nakaraang PBA draft.

Sina Chris Ellis at Keith Jensen ay hinugot ng Gin Kings sa first round ng bilang No. 6 at No. 8, ayon sa pagkakasunod, habang sina Vic Manuel at Jason Deutchman ay pinili ng Batang Pier bilang No. 9 at No. 10.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply