PCG: Barkong sumadsad sa Iloilo, papatawan ng parusa

PAPATAWAN ng sanction ang tauhan ng barko ng 2Go na naistranded noong Sabado ng gabi hanggang kahapon sa karagatan sakop ng Iloilo, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ang nasabing parusa ay bunsod ng hindi pagpapaalam ng mga tripulante at opisyales ng barko ang naganap na insidente kung saan nagkaroon ng problema ang barko na St. Thomas De Aquinas kung saan lulan ang   571 pasahero.

Ayon sa PCG, nakarating sa port of destination ang barko sa nakatakdang oras ng pagdaong nito kaya niradyuhan ito at doon lamang nalaman ng nagkaroon ng aberya dahilan para pagpadala ang coast ng dalawang tug boat na hihila dito patungong Iloilo port.

Dahil sa insidente, agad na nagsagawa ng inisyal na imbestigasyon ang PCG. Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng problema sa marine propulsion ng barko.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply