PCOS special manual ilalabas ng Comelec

ISANG special manual sa paggamit ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines ang planong ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ilang buwan bago ang 2013 midterm elections.

Ang nasabing mga manual ay para sa mga board of election inspectors (BEIs) na magsisilbi sa halalan at gayundin sa mga botante.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, makikita sa mga nasabing manual ang vital rules sa paggamit ng PCOS machines, tamang paraan ng data transmission at ang mga sagot sa mga karaniwang tanong ng publiko.

Nais umano nilang ilang buwan pa bago ang halalan sa Mayo ay mailabas na ang manual upang mapag-aralan ng mga gurong mangangasiwa ng eleksyon at maituro na rin sa mga botante.

Sa kabila nito, tuloy pa rin naman ang information drive ng Comelec para sa voters registration at filing ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 1 hanggang 5.

Tiniyak din ng poll body na ginagawa nila ang lahat upang maging maayos ang ikalawang automated elections sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply