PDEA chief, babalatan ng Honasan committee

ISASALANG ngayong umaga, Lunes, si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Jose Gutierrez sa masusing imbestigasyon ng Senate committee on public order and illegal drugs hinggil sa kontrobersiyang kinahaharap nito kabilang ang alegasyon ng korapsiyon.

Sa committee advisory, sinabi ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan, chairman ng komite, nakatakdang talakayin sa imbestigasyon ang privilege speech ni Senate majority leader Vicente Sotto III hinggil sa pagsibak kay PDEA Deputy Director General Carlos Gadapan.

Nauna nang sinibak ng Palasyo si Gadapan dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng Pangulo na siyang kinumpirma ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda at nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Sotto na kailangan imbestigahan ng komite ni Honasan ang kontrobersiya na bumabalot sa PDEA dahil nadadamay ang integridad ng ahensiya sa pagsugpo ng illegal drugs.

Nadadamay din ang pamilya ni Director General Jose Gutierrez sa kontrobersiya partikular ang paglulustay umano ng pondo ng PDEA sa pagkagumon sa sugal ng kabiyak ng opisyal. Mahigpit na pinabulaanan ni Gutierrez ang alegasyon ni Gadapan.

“I was informed yesterday that the president fired a leading member of drug enforcement agency, a leading officer, as a matter of fact the deputy director general. I have worked with that deputy director general for a time when I was chairman of the Dangerous Drugs Board (DDB) and I can’t help but wonder what happen to the PDEA,” ayon kay Sotto.

Sinabi pa ng Honasan committee na iimbestigahan din ang batas na lumikha sa PDEA upang mapalakas ito sa pagsugpo ng illegal at mapanganib na droga sa bansa na binanggit ni Sotto sa kanyang privilege speech.

“It was created to address the huge and complex problems of dangerous drugs and our hope from that time up to the present, we will be able to diminish if not totally eradicated the problem and pernicious menace, the problem of illegal drugs and drug abuse are so well until yesterday,” ayon kay Sotto.

“So probably this is the best time as any to look into the creation of PDEA, strengthen it out and weed out the undesirables, and makes it strong as we wanted to be to fight these problems of illegal and dangerous drugs in the country,” giit pa ni Sotto.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply