PDEA chief Gutierrez pinagbabakasyon ni Sotto

HINILING ni Senador Vicente Sotto III kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Jose Gutierrez na magbakasyon muna o mag-file ng leave of absence (LOA) para hindi magkaroon ng pagdududa ang gagawing imbestigasyon.

Ayon kay Sotto, sa ganitong paraan makaka-iiwas sa paratang si Gutierez na gumagawa ito ng paraan para ma-white wash ang gagawing imbestigasyon sa mga kontrobersyang bumabalot ngayon sa PDEA.

Sinabi ni Sotto na nababagabag siya sa nangyayari sa PDEA dahil walang ibang magpi-piyesta sa ganitong sitwasyon kundi ang mga drug lords.

Bukas, nakatakda ang pagsisimula ng imbestigasyon ng senado sa kontrobersya sa PDEA.

Samantala, sinabi ni Gadapan na wala siyang personal na galit kay PDEA Gutierrez matapos sibakin sa puwesto.

Ang pahayag ni Cadapan ay kaugnay sa kanyang pagsisiwalat na lulong sa casino ang asawa ni Gutierrez sa pagsusugal.

Sa katunayan, aniya, ay mas iniisip niya ang kapakanan ng kanyang boss at ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply