PDEA chief, pinagbibitiw ng lady lawmaker

LANTARANG hinamon ni Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director general Jose Gutierrez Jr. na magbitiw sa puwesto bunga ng talamak pa rin ang iligal at mapanganib na droga sa bansa.

Inihayag sa panayam ng lider ng oposisyon sa Kamara De Representante na si Congresswoman Magsaysay, hindi na dapat hintayin ni Gutierrez ang magiging resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa mga iregularidad sa ahensiya.

Una ng iniutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa umano’y ginamit ng asawa ni Gutierrez ang pondo ng ahensiya sa pagsusugal.

Ginawa ang akusasyon kay Gutierrez ni dating PDEA deputy director general for operations Carlos Gadapan, na sinibak sa puwesto ng Pangulo.

Sa pinirmahang relief order ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., sinabing inalis sa puwesto si Gadapan dahil sa “loss of confidence” ng Pangulo.

Dahil dito, kapwa tumanggi ang dalawa sa paratang nila sa isa’t isa kung saan sinabi ni Gutierrez na handa siyang magbitiw sa puwesto sa sandaling ipag-utos ni Aquino.

Ibinunyag naman ni House Minority Leader Rep. Danilo Suarez, nananatiling talamak ang industriya ng iligal na droga sa bansa na umaabot umano sa $270 milyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply