Peace Cup: No Younghusband bros, no problem

NAKASAMPA sa ibabaw ng team standings ang Azkals matapos nilang pagulungin ang Guam, 1-0 sa pagbubukas ng Philippine Football Peace Cup match sa Rizal Memorial Football Stadium kagabi.

Kahit kulang sa kargada ay nalista pa rin ng Azkals ang three points habang tig-isang puntos ang nagtabla sa opening match, 2-2 na Chinese-Taipei at Macau.

Hindi naging problema sa Azkals ang pagkakawala ng magkapatid na Phil at James Younghusband dahil tinadyakan ni Patrick Reichelt ang pampanalong puntos upang gawing suki ang Guam sa nasabing sport.

Ayon kay Fil-German Reichelt una niya itong puntos sa international competition.

May 81 minuto na sa laro ng maka-iskor ang Azkals, nang sipain ni Reichelt ang bola banda sa may kaliwang kanto sa tapat ng bunganga ng goal.

Makakalaban ng Azkals ang Macau bukas ng alas-siete ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Guam at Chinese-Taipei na mag-uumpisa sa alas-kuwatro ng hapon.

Samantala, kahit hindi nakalaro ang sikat na magkapatid ay nagpahayag naman sila ng suporta at commitment para sa national team.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply