Pedicab driver hinalay ang sundo’t hatid na grade 1 pupil

KASONG panggagahasa ang ikinasa laban sa isang pedicab driver matapos mahuli sa aktong ginagahasa ang kanyang hatid-sundo na grade 1 pupil sa Zamboanga City.

Nakaditine na sa Zamboanga City Police Station 8 ang suspek na si Abdelmuin Alam Musa, 21, ng Barangay Sinunoc at bukas ng umaga (Setyembre 17) ay sasampahan na sa korte ng kasong panggagahasa.

Sinabi ng hepe ng Zamboanga City police station 8 na si S/Insp. Arthuro Alejandro, isang miyembro ng CAFGU ang nakasaksi sa panghahalay ng suspek sa inosenteng bata nitong nakaraang Sabado.

Ayon sa naturang CAFGU, nakarinig siya ng palahaw ng bata sa hindi kalayuan sa kanyang nilalakaran kaya pinuntahan niya ito.

Dito ay inabutan niya na nakapatong at umaayuda pa ang suspek kaya inaresto niya agad ito  at dinala sa istasyon ng pulisya.

Nabatid na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga magulang ng biktima ang suspek dahil ito ang taga-hatid at taga-sundo sa paaralan sa huli.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply