Pedicab driver todas sa kabaro

SULUTAN sa pasahero ang hinihinalang dahilan ng iringan ng dalawang pedicab driver na nauwi sa pananaksak na ikinasawi ng isa sa Sta.Mesa, Maynila, kagabi (Seteymbre 24).

Nakilala ang nasawi na si Eduard Gutierrez, 28, binata at pedicab driver ng 96 Anonas extension NDC compound, Sta. Mesa, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na si Jeffrey Mutita, 26, may-asawa, pedicab driver ng 42 Nagtahan St., ng nasabi ring lugar.

Sa report ni PO3 Julieto Malindog, ganap na alas-7:00 kagabi nang maganap ang pananaksak sa harap ng GSIS Metro Homes Phase 1, Anonas St., Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa dahil sa sulutan sa pasahero.

Gayunman, inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply