Pekeng food supplement iniindorso ng singer

ANG magaling na singer na may anak na singer din ang kauna-unahang nag-endorso sa Pilipinas ng isang brand ng herbal food supplement na nagmula pa sa Europa.

Nung una’y sa black market lang nila ito itinitinda dahil wala pa silang nakukuhang approval sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) administration. Subalit ngayong may lisensya na silang magtinda nito ay nagkalat naman ang pekeng produkto na may brand name nila.

Nagulat kami nang bumili kami ng nasabing product. Huwag daw naming bilhin ang ini-endorse ng singer dahil peke ito. Wala raw itong epekto. Binigyan kami nang parehong produkto, hindi ang kay singer. Pero mahinang klase rin.

Nasubukan na namin ang FS na negosyo ng idol nating singer at magaling talaga ito kaya iyon ang hinahanap namin. Nung finally ay makabili kami, binigyan pa kami ng pamphlet na may pangalan niya kasama ng produkto, pero walang dating. Doon kami naniwalang napeke na nga ang HFS ng high pitch singer.

Ang ikinatatakot namin, baka may malason sa pekeng produkto at isisi ito sa mabait pa namang beteranong singer .

Alam kaya ito ni Idol?

***

Jolo special kay Jodi

INAMIN ni Jodi Sta. Maria nung Sunday sa The Buzz na kinokonsidera niya si Jolo Revilla na isang taong special para sa kanya. Gayunman, ayaw na nitong mag-elaborate kung bakit naging malapit sila sa isa’t isa ng aktor.

“I would say na he is someone special right now. Hanggang doon na lang po muna,” sabi ng aktres.

Hindi rin nasagot ng bida sa Be Careful With My Heart sa hindi nila pagkakadalo sa 6th Star Magic Ball dahil pumunta umano sila ni Jolo kasama ang kani-kanilang mga anak sa Hongkong Disneyland.

“I am happy. Basta ang masasabi ko lang, I never lost faith in love. Wala na akong mahihiling pa. Sobra-sobra na kung sasabihin kong kulang pa ito or may hihilingin pa ako,” mga palihis pang pahayag ng Kapamilya star na obviously ay sobrang happy talaga sa kanyang lovelife.

Maging ang nanay ni Jolo na si Rep. Lani Mercado ay botong-boto rin daw kay Jodi. Si Senador Bong Revilla naman ay napaka-liberal pagdating sa personal na buhay ng kanyang mga anak.

***

Malapit na ang major concert ni Paula Bianca

TAPOS na ang final lay-out ng poster ni Paula Bianca para sa Rockphilia concert nito sa darating na November 9, 2012, 8:00 p.m. at Pagcor Grand Theater Casino Filipino, Sucat Road, Paranaque city.

Ito ang kauna-unahang major solo concert ni Paula kaya kailangan niya ang suporta ng kanyang mga tagahanga.

Mura lang ang ticket, P500 at available ito sa Haplos foundation office (Hemophilia Association of the Philippines for Love and Service Inc.) o tumawag sa 732-50-85/09178427567 at hanapin si Gay Onate.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa 09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply