Pekeng pasaporte ng Reyes brothers, ibalik – DFA

Pekeng pasaporte ng Reyes brothers, ibalik – DFA

NANAWAGAN ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibalik ang hinihinalang pekeng passport upang agad na maaksyunan.

Ayon kay Assistant Secretary Jaime Victor Ledda ng Office of Consular Affairs ng DFA, kung pinagdududahan ng isang indibidwal na peke ang kanyang passport, marapat lang na magsadya kumunsulta sa kanilang tanggapan upang maaksyunan o masuri ang validity ng dokumento.

Ang pahayag ay ginawa ni Ledda sa harap ng ulat na nakalabas ng bansa si dating Palawan Governor Joel Reyes bitbit ang pekeng passport.

Si Reyes ay wanted sa pagpatay kay environmentalist at Palawan Broadcaster Gerry Ortega.

Magugunita na nakalusot pa rin ang pekeng pasaporte na sinuri ng passport reader na ginamit ni Joel Reyes na nakapangalan sa isang Joseph Lim Pe.

Nabatid sa ulat ni Bureau of Immigration (BI) spokesman Atty. Antonette Mangrobang na kanilang tinitingnan ang anggulong napakagaling ng pagkakapeke sa passport at ang posibilidad na mayroong nag-facilitate sa pagdaan ng magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Kasama rin sa kanilang iniimbestigahan ang buong shift ng immigration personnel noong nakalabas ng bansa ang magkapatid na Reyes.

Ipinaliwanag ni Mangrobang na bagamat walang record ang Immigration na may lumabas na Mario Reyes, mayroon naman nakalagay na Mario Reyes sa flight manifest.

Dahil dito lalong tumibay ang ulat na naging kasabawat ang dalawang immigration commissioner sa palabas ng bansa ng dalawang most wanted fugitives pati na sa DFA na nag-ayon ng pasaporte ng magkapatid na Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply