Pelikula tungkol sa diyos

ILANG araw din ako sa ospital dahil sa isang operation.

Kaya’t halos buong araw ako nakatutuok sa telebisyon. Bukod sa balita at History channel, nanood din ako ng dating Hollywood films. Nagkataon naman na sa dalawang cable channel ay pinalabas ang dalawang pelikula tungkol sa Diyos.

Sa parehong pelikula, ang batikang oscar winning actor na si Morgan Freeman ang gumanap na Diyos. Parehong comedy ang pelikula ngunit kapupulutan talaga ng aral.

Sa unang pelikula ay isinalin niya sa isang maangal na newsman na si Bruce ang kanyang ka-pangyarihan kaya’t si Bruce Almighty ay naging Diyos ng isang linggo. Pero may limitasyon, hindi niya puwedeng sabihin na siya ang Diyos at dapat ay igalang niya ang Free will ng tao. Tuwang tuwa si Bruce at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa sarili niyang kapakanan. Pero may problema, lahat din ng dasal at hiling ng tao ay naririnig niya. Ibig sabihin, ang kapangyarihan ay may katuwang na responsibilidad. Hindi rin niya kayang pwersahin ang kanyang minamahal na mahalin siya.

FREEWILL yon at kailangan niyang igalang. Sumuko si Bruce at sinabi niyang ‘di niya kaya ang maging Diyos. Pero nagbago siya at bagama’t kamuntik na mamatay sa aksidente ay nanumbalik ang tiwala at pagmamahal niya sa Diyos. At ninais na lang niya na maging ordinaryong tao.

Ang sumunod naman ay tungkol sa isang American congressman na ang motto ay “Change the World.” Nagpakita sa kanya ang Diyos at, katulad ni Noah sa bibliya, inatasan siya na gumawa ng isang ARKO dahil sa may malaking baha na magaganap. Pinagtatawanan siya at nasira ang kanyang career bilang congressman. Iniwan siya ng kanyang asawa pero sa isang restaurant, nagpanggap na waiter ang Diyos at sinabi sa asawa na “Kapag humiling ka ng yaman, hindi ka binibigyan ng yaman ng Diyos. Kung hindi ang oportunidad na yumaman.

Kapag humiling ka ng pag-ibig, ang ibibigay sa iyo ay ang pagkakataon na magkaroon ka ng pag-ibig.” Binalikan ng asawa at mga anak si “Noah”, at nagkatotoo ang baha. Hindi dahil sa ulan kung hindi dahil sa nasirang dam na ginawa para sa maanomaly ang housing project ng kalaban na congressman.

At dahil doon, he “changed the world” at ang bilin ng Diyos, “An Act of Random Kindness.”

Parehong comedy, pero napakaganda at insipiring ang mga pelikula tungkol sa Diyos. Pinakita sa una na hindi pwedeng “mag- diyos-diyosan” ang tao dahil iisa lang ang DIYOS at sa pangalawa ay ang pagmamahal sa kapwa.

Gusto kong pasalamatan ang lahat ng tao na naging kadamay ko sa mga oras ng aking karamdaman. Maraming salamat po. ‘Di ko man kayo isa-isahin banggitin, buong buhay ko pong kikilalaning utang na loob ang inyong pag-aalala, pagdarasal, pagmamahal at pagalaga sa akin.

God bless po.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply