Pelikula vs Muslim, haharangin ni Biazon

MAGHAHAIN ng isang resolusyon si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na nananawagan upang ipagbawal ang pagpapalabas sa Pilipinas ng dokumentadong pelikula na ginawa ng Estados Unidos na diumano’y umiinsulto sa paniniwala ng Muslim.

Ang pelikula ay nagsasabing lumalapastangan umano sa kinikilalang propeta ng mga Muslim na si Muhammed.

Sinabi ni Biazon na maraming komite ang posibleng maglabas ng kahalintulad na resolusyon ay ikinukunsidera niya ang pagbabalangkas nito bilang pagbibigay na rin aniya ng respeto sa mga kapatid na Pilipinong Muslim dito sa Pilipinas.

Nakapaloob sa ihahaing resolusyon ni Biazon, na ipagbawal ang pagpapalabas ng nasabing pelikula na tumutuligsa sa relihiyon ng mga Muslim sa mga sinehan o telebisyon.

Hindi aniya dapat na mapanood ito lalo’t ito’y pagpapakita ng kawalang paggalang sa paniniwala at relihiyon ng mga Muslim.

Aniya pa, kilala ang bansa na isa sa mga may pinakamaraming muslim sa buong Timog Silangang Asya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply