Pergalan sa Bulacan at Cavite nasa Quezon City na

FRONT lang daw ng sugalan ang itinayong peryahan diyan sa may kanto ng Mayon at Retiro, may ilang metro lang ang layo mula sa himpilan ng Laloma Police Station 1 ng Quezon City  Police  District  (QCPD).

Ayon sa mga nagrereklamong residente, ang nasabing peryahan  na  may isang linggo na umanong nag-oo-perate ay pag-aari ng isang alyas “Emily” na nagmula sa Cavite at umano’y kagrupo ng perya queen na si  alyas  “ Japayuki ”  ng Bulacan.

Ang nakapagtataka umano rito ay tanaw na tanaw ng mga pulis ng QCPD-PS-1 na may mga sugalan ang nasabing peryahan ngunit parang wala silang nakikita at naririnig.

Magkano kaya ang lobby money ng peryahang ito  at  naging bulag, pipi at bingi  ang mga pulis, lalo na ang kanilang hepeng si Supt. Froilan Uy,  na  kauupo lang na hepe na makalipas umano ang ilang araw ay biglang  itinayo ang nasabing peryahan?

Ang nasabing peryahan na pag-aari ni alyas “Emily” ay binibigyan u-mano ng proteksyon ng ilang kagawad ng QCPD at ng ilang mamamahayag na  pawang  nakabase sa lungsod
Quezon.

Sinasabing kapag may nagpunta umanong  mga pulis at mamamahayag sa nasabing peryahan ay  isang alyas “Randy” ang huma-harap dito at nagbibigay ng pera.

Wala namang problema kung talagang peryahan lang ang  bubuksan.

Ang kaso ay ginagawa lang nilang front ang peryahan para mabigyan ng permit  ng barangay at ng City Hall at kapag naitayo na ay saka maglalagay ng sugalan.

Dapat ang magkontrol dito ay mga pulis na at dahil  nakatimbre na ito sa kanila,  at kung magkano, tanging ang station commander lang ang nakaaalam niyan, hindi ba, Supt. Froilan Uy?

Alam kaya ito ni QCPD Director Mario Dela Vega?

O baka naman bulag dito ang ating magiting na Heneral?

Paki-check lang po General  Dela Vega,  maraming residente ang nag rereklamo sa peryahang ito.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files ay sinasabing tumataginting daw na P40 thousand ang ibinigay  ng peryanteng si Emily sa himpilan ng La Loma Police Station 1 ng QCPD.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  09155683000 at 0908723-0036 o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply