Perpetual Help sasalo sa third spot

KRUSYAL ang bawat laro kaya naman pipilitin ng Perpetual Help Altas na paluhurin ang Lyceum of the Philippines Pirates upang mapalakas ang tsansa na makapasok sa Final Four ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Solo sa fourth spot ang Altas tangan ang 9-6 win-loss slate habang ang katunggaling Pirates sa Martes ng alas-sais ng gabi ay laglag na sa kontensyon.

Kalahating laro ang lamang ng Perpetual sa Jose Rizal University Heavy Bombers habang isang laro naman ang agwat sa kanila ng host Letran Knights na nasa third spot.

Samantala, selyado na sa defending champion San Beda College Red Lions ang pagsampa sa semifinals maging ang twice-to-beat advantage ay nakopo na rin nila kaya magpapapawis na lang sila sa kanilang 4 p.m. match kontra Mapua Cardinals.

May kartang 13-2 panalo-talo ang Red Lions nasa likuran nila ang last year’s runner up San Sebastian College Stags hawak ang 11-4 baraha.

Tangan naman ng Letran ang 10-6 card.

Napinta ng Knights ang kanilang pang-10 panalo ng gilitan nila kahapon ang Heavy Bombers, 70-59.

Si Kevin Alas ang sumagip sa ang Knights ng mag rehistro ito ng all around performance na 17 markers, tig-aanim na rebounds, steals, at assists.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply