Petisyon ng mga midnight appointees, ibinasura ng CA

SINANG-AYUNAN ng Court of Appeals (CA) ang utos ni Pangulong Benigno Aquino na pawalang bisa ang midnight appointments ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sa desisyon ni 8th Division Justice Noel Tijam, dinismis ang petisyon nina dating Subic Bay Metropolitan Board Authority (SBMA) Director Eddie Tamondong, Philippine National Railways (PNR) General Manager Manuel Andal, Quezon City Prosecutor Dindo Venturanza, dating Nayong Pilipino Head Charito Planas at dating State Solicitor Cheloy Garafil.

Tanging ang appointment ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Sec. Bai Omera Dianalan-Lucman ang kinilala ng CA dahil hindi pa ito sakop ng panahon na nagbabawal sa naturang appointment.

Sa kaso naman nina Venturanza at Garafil, ipinaubaya na ng CA sa Malakanyang ang pagdedesisyon kung ikokonsidera ang pagkakatalaga ng mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply