Petisyon ni GMA sa electoral sabotage case ibinasura ng SC

IBINASURA na Korte Suprema ang inihaing petisyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na kumukwestiyon sa inihaing electoral sabotage case ng Department of Justice at Commission on Elections investigating panel.

Ayon sa ulat “unanimous” ang naging desiyon ng mahistrado upang ibasura ang petisyon ng abogado ni Gng. Arroyo dahil maituturing umanong “moot and academic” ang kaso.

Sa desisyon, nakasaad na naisampa na sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang kaso at nabasahan na rin ng sakdal ang dating Presidente.

Mismong si Associate Justice Diosdado Peralta ang nagsulat nito at napagbotohan sa deliberasyon ng Korte Suprema noong September 18.

Kaugnay nito, hati naman ang mga mahistrado sa usapin ng legalidad ng pagkakabuo sa DoJ-Comelec panel.

Napag-alaman na apat na mga mahistrado ang nagsabing “unconstitutional” ang lupon dahil tanging ang Comelec lamang umano ang may mandato na mag-imbestiga sa mga election offense.

Samantala, mayorya naman sa mga mahistrado ang naniniwala na ligal ang pagkakabuo sa panel dahil ang Comelec pa rin naman ang nangangasiwa sa imbestigasyon at ang Commission En Banc ang nag-apruba ng paghahain ng kaso sa korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply