PhilHealth cards, ipinamahagi ng DOH

NAMAHAGI si Health Secretary Enrique Ona ng mga PhilHealth cards at health vouchers sa mga mahihirap na pamilya at mga miyembro ng Pantawid Pamilya program.

Ito’y kasunod nang pagdaraos ng Kalusugang Pangkalahatan (KP) family health fair nitong Linggo na pinangunahan ng Department of Health Center for Health Development – National Capital Region (DOH CHD-NCR), katuwang ang Quezon City Health Department (QCHD) at Gerry Roxas Foundation.

Ang naturang health fair na may temang ‘Kalinga sa Kalusugang Abot-Kamay’ ay idinaos sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ayon kay Ona, maaaring gamitin ang mga naturang PhilHealth cards at health vouchers sa pag-avail ng libreng serbisyo mula sa city health centers at government hospitals tulad ng Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, East Avenue Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center at Jose Fabella Medical Center.

“Once a mother is a holder of a PhilHealth ID and a health voucher, she can now go directly to a hospital without fear of having to pay for health care services. She can deliver her child in a healthcare facility that provides safe and quality health care. For me, this is the true essence of Kalusugang Pangkalahatan,” ani Ona.

Bukod dito, ipapakita rin sa pagtitipon ang iba’t ibang KP-related interventions ng CHD-NCR at QCHD tulad ng Women Watchers of Mothers and Babies (WWOMB) at KP sa Kyusi, upang hikayatin ang Local Government Units sa Metro Manila na gayahin ang mga ito.

“We will be presenting essential and doable health packages to our government partners and encourage them to adopt and incorporate it with their existing health programs,” ayon naman kay DOH-NCR Director Eduardo Janairo.

“If there are prevailing health programs that are being implemented that complement these health packages, the DOH will also gladly extend its support. Let us all make these initiatives work for the attainment of our Millenium Development Goals, especially in maternal and child health,” aniya pa.

Ang Kalusugang Pangkalahatan Family Health Fair ay isa sa mga direktiba sa ilalim ng KP program upang matiyak na makapagbibigay ng de kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pinoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply