Phivolcs: Eastern Samar niyanig ng magkasunod na lindol

NIYANIG ng magkasunod na lindol ang Eastern Samar kaninang umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang magnitude 5.2 na lindol sa silangang bahagi ng bayan ng Guiuan pasado alas-7:00 ng umaga na sinundan pa ng 5.3 dakong 8:35 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, kabilang pa rin ang dalawang nabanggit na pagyanig sa aftershocks ng magnitude 7.7 na lindol noong Biyernes ng gabi.

Sinabi pa ng Phivolcs na 525 na aftershocks na ang naitala sa Eastern Samar habang 320 sa Bukidnon at 68 naman sa Sultan Kudarat.

Una na ring sinabi ng Phivolcs na maaaring tumagal pa ng mahigit isang buwan ang mga aftershocks kaya pinag-iingat ang publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply