PHL 5 sasabak sa Chinese Taipei

INAYOS ng Chinese Taipei ang quarterfinals showdown sa Smart Gilas-Pilipinas 2.0, ito’y matapos silatin ang Qatar, 75-73 kagabi sa preliminary round ng 4th FIBA-Asia Cup sa Ota Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Nakatakda ang banggaan ng PHL 5 at Taiwanese dakong alas-siete bukas ng gabi kung saan ang mananalo ay sasampa sa semifinals.

Sosyo ang Pilipinas sa top spot kasama ang defending champion Lebanon at China sa group A na may tig-3-1 win-loss slate subalit tinanghal na No. 1 ang pangalawa habang tersero puwesto ang huli matapos ipatupad ang quotient system.

Pang-apat naman ang Uzbekistan tangan ang 1-3 karta.

Crossover ang format sa last eight kaya makahaharap ng Lebanon ang No. 4 sa group B na Qatar habang ang China ay makakalaban ang No. 2 na Japan.

Ang Iran ang nanguna sa group B kaya kalaban nila ang mahinang Uzbekistan.

Pinisak na ng PHL quintet ang Taiwanese noong August 25 sa Jones Cup, 72-62, kaya inaasahan ang pagpasok nila sa round-of-4.

Sa dalawang araw na walang laro ang Gilas team ay puro practice ang ginawa ni coach Chot Reyes, hindi niya pinag pahinga ang kanyang tropa upang paghandaan ang susunod nilang laro.

Samantala, ang buzzer-beating dunk ni Lei Tien ang nagpanalo para sa mga Taiwanese cagers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply