PHL, RoK magsusulong ng sustenableng kagubatan

LUMAGDA si Environment and Natural Resources Secretary Ramon J. P. Paje sa kasunduan ng mga pamahalaan ng Pilipinas at ng Republic of Korea para maisulong ang pagkakasa ng nasusustenang kagubatan sa bansa.

Nilagdaan ang naturang kasunduan o memorandum of understanding (MOU) nina DENR Undersecretary for Field Operations Demetrio Ignacio, Jr., na kumatawan kay Paje habang si Forestry Service Minister Lee Don Koo naman ang lumagda sa panig ng Korea.

Isinagawa ang paglagda sa mismong katatapos pa lamang Special ASEAN Ministerial Meeting on Forestry sa Seoul, Korea, noong Agosto 29, 2012.

“This agreement will not only strengthen our forest development and protection but will also create jobs and income, provide livelihood opportunities, and encourage foreign investments and exports of forest products to Korea,” pahayag ni Paje.

Anang kalihim, nakasaad sa MOU ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa mga kagubatang kailangang masustena, maproteksyunan, mapaunlad bilang isang plantasyon, at maibsan ang negatibong epekto ng pagpapalit-klima o climate change.

Ipatutupad ang nasabing kasunduan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga eksperto at bagong teknolohiya sa pagitan ng dalawang bansa, gayundin ang pagtataguyod ng kapabilidad ng mga ito.

Sa kaugnay na kaganapan, mismong ang ginanap na ASEAN-ROK Ministers Meeting noong Agosto 29-30 sa Seoul, Korea ay nagresulta sa pananagutan ng mga nakilahok na bansa sa pagsusulong ng nasusustenang kagubatan, pagpapatibay sa pananagutan din ng forest stakeholders, pagpapalalim at pagpapalawak sa kolaborasyon, konsultasyon at kooperasyon ng mga ito, pagsusulong ng pagtataguyod ng kapabilidad at kabuhayan, at pagtulak sa pagbuo ng Asian Forest Cooperation Organization (AFoCo).

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply