PHL team inaasinta ang top 10 finish

ISA sa magandang performance ng Philippine Chess team ang 40th FIDE World Chess Olympiad na ginaganap sa WOW Convention Center sa Istanbul, Turkey.

Kasalo ang PHL woodpushers sa ninth to 15th place hawak ang 14 match point matapos makatabla sa No. 27 seed Vietnam sa round 10 at penultimate kahapon.

Pihadong pahirapan mamayang gabi ang last round ng Pinoy chessers dahil makakatunggali nila ang No. 25 ranked Romania.

Bukod sa panalo ay pakay din ng Nationals na sumampa sa top 10 upang ilista ang pinaka magandang standing ng Pilipinas mula ng sumali ito sa nasabing prestihiyosong event na ahedres.

Makakasampa sana ang PHL team sa top spot kung nanalo sila sa China sa round nine.

Ibabandera ng Pilipinas para sa huling laro sina GMs Wesley So, (elo 2652), Oliver Barbosa, (elo 2554), Eugene Torre, (elo 2469) at Mark Paragua, (elo 2508) sa boards 1 hanggang 4 ayon sa pagkakasunod.

Kaharap ni Pinoy super grandmaster So si GM Constantin Lupulescu, (elo 2614) habang si Barbosa ay katunggali si GM Mircea-Emilian Parligras, (elo 2618).

Super GM din ang makakalaban ni Asia’s first GM Torre sa katauhan ni Levente Vajda, (elo 2612) at si Paragua naman ay kikilatisin si GM Vladislav Nevednichy, (elo 2554).

Samantala, nag-aagawan sa unahan ang Russia, China at Armenia na may tig 17 match point kaya naman may posibilidad na magkaroon ng three-way tie sa champion kung mananaig sila round 11.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply